The Christus statueThe Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Search | Feedback | Site Map | Help | Country Sites |
Home Gospel Library General Conference
Conferences
Oktubre 2003
Mga Patotoo: "Piliin ang Mabuting Bahaging Iyon"

Mga Patotoo: "Piliin ang Mabuting Bahaging Iyon"

 

Ang sumusunod na maiikling patotoo ay ipinahayag sa dalawang paningit ng piling musikang "Choose That Good Part."

Janet Edwards, misyonera sa Utah Salt Lake City Temple Square na taga-New York: Nakatira ako noon sa New York City, na nasisiyahan sa makamundong teatro. Dahil sa nakakalungkot na mga nangyari noong 9/11, masakit malaman na pansamantala lang ang kagalakan ko. Mali ang pinili kong paglingkuran; nalimutan kong dapat unahin si Jesucristo. Noon di'y ginawa ko ang pinakamahalagang desisyon sa buhay ko—pinili ko ang Panginoon—ang Kanyang kapayapaan at kaligayahan.

Galina Pershina, misyonera sa Utah Salt Lake City Temple Square na taga-Russia: Nang sumapi ako sa Simbahan sinabihan ako ng pamilya ko na huwag silang kumbinsihin. Habang nasa misyon ako, nagkasakit nang malubha si Inay. Inalagaan siya nang husto ng mga Relief Society sister sa Russia. Kapag kasama niya sila dama niya ang nadarama kong espiritu; mas malapit siya sa akin; nadarama niya ang pag-ibig ni Cristo.

Florence Chukwurah, Relief Society general board member na taga-Nigeria: Maaga kong pinili sa buhay ko na makaahon sa hirap at masigasig na hanapin ang Diyos. Ipinasiya kong maging masunurin sa aking mga magulang at nakatatanda at maging seryoso sa pag-aaral. Nagpasiya akong magsikap nang husto. Dininig ng Panginoon ang aking mga dalangin at biniyayaan ako at ang pamilya ko sa aking mga pagsisikap.

Donna S. Packer, maybahay ni Pangulong Boyd K. Packer, Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol; ina; lola; at lola-sa-tuhod na taga-Utah: Sa pagpiling magkaroon ng sarili kong patotoo—sa araw-araw na mga pagsubok ko sa buhay, hindi ako makakaasa sa hiram na liwanag. Ni hindi ako makakasandig magpakailanman sa espirituwal na kaalaman ng iba. Ako mismo ang kailangang makaalam. At tanging kapangyarihan lang ng Espiritu Santo ang makakapagpatotoo sa ating kaluluwa, na si Jesus ang buhay na Cristo. Alam ko ito.

 
© 2008 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.   Rights and use information.  Privacy policy