2010
Gumawa ng Garapon para sa Ikapu
Pebrero 2010


Gumawa ng Garapon para sa Ikapu

Kakailanganin ninyo ng maliit na babasaging garapon, may kulay na gomang panali o yarn, at papel na may kulay.

  1. Hugasan at patuyuin ang garapon.

  2. Dekorasyunan ang labas ng garapon gamit ang mga gomang panali. Kung wala kayong goma, pwede kayong gumamit ng tali o yarn.

  3. Gumupit ng dalawang malalaking bilog sa papel. Ilagay ang mga bilog sa ibabaw ng garapon, at talian ng goma ang paligid nito. Gupitin ang sobrang papel.

  4. Gumawa ng hiwa sa ibabaw ng papel na sapat para makalusot ang pera.