2010
Ikapu Ang Pinakamagandang Pagpili
Pebrero 2010


Ikapu Ang Pinakamagandang Pagpili

Mula sa mensahe sa pangkalahatang kumperensya na ibinigay noong Abril 2008.

Larawan
Elder Sheldon F. Child
  1. Noong bata pa ako, binigyan ako ng kapitbahay ko ng isang bagong silang na guya.

  2. Mahirap mag-alaga ng guya. Inalagaan ko ito at pinakain.

  3. Noong araw na ipinagbili ni Itay ang guya ay sari-sari ang naramdaman ko. Napamahal na sa akin ang guya, pero inasam ko ring matanggap ang bunga ng pinaghirapan ko.

  4. Nang umuwi si Itay, inilagay niya sa kamay ko ang 20 baryang pilak. Para bang nasa akin na ang lahat ng pera sa mundo.

  5. Binilang ko ito, pinakintab, at humanga sa bawat barya.

  6. Pagsapit ng Linggo inilagay ko sa bulsa ko ang dalawa sa mga barya bago pumunta sa simbahan para magbayad ng aking ikapu.

  7. Mahirap para sa akin na ibigay ang aking ikapu sa bishop, ngunit masarap ang pakiramdam ko sa pagsunod sa Panginoon.

  8. Sinabi ng nanay ko na ipinagmamalaki niya ako. Sinabi niya sa akin na pagpapalain ako sa pagbabayad ng ikapu at ito ang magandang pamumuhunang magagawa ko.