2012
Maiikling Balita sa Buong Mundo
Marso 2012


Maiikling Balita sa Buong Mundo

Nagsalita ang mga Lider sa mga Banal na Latino sa Brodkast noong Nobyembre

Nagsalita sina Elder Claudio D. Zivic ng Pitumpu at Elder Gary B. Doxey, Utah South Area Seventy, sa isang debosyonal na isponsor ng Simbahan para sa mga miyembro sa Latin America na may pamagat na “En la luz de Su amor” (“Sa Liwanag ng Kanyang Pagmamahal”), na ginanap noong Linggo, Nobyembre 13, 2011.

Libu-libong miyembro ng Simbahan na wikang Espanyol at Portuges ang gamit at kanilang mga kaibigan ang dumalo sa debosyonal sa Conference Center at sa mga meetinghouse sa North, Central, at South America.

Sa loob ng walong taon ang Simbahan ay nakapaglaan ng taunang mga kaganapang puno ng inspirasyon na nakatuon sa pagdami ng mga Banal na Latino, isang aktibidad na kinapalooban ng mga konsiyertong Pamasko, debosyonal at pagtatanghal. Ang debosyonal noong 2011 ang unang taunang programa na ibinrodkast sa mga meetinghouse sa labas ng Estados Unidos.

Nakipagkita ang Unang Ginang ng Honduras sa Unang Panguluhan

Ang unang ginang ng Honduras na si Rosa Elena Bonilla de Lobo ay nakipagkita kina Pangulong Thomas S. Monson at Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, noong Martes, Nobyembre 8, 2011, isang pagkikitang tinawag niya na “isang malaking pribilehiyo.”

Sa kanyang pagbisita sa headquarters ng Simbahan, naglibot din siya sa Temple Square, Family History Library, Conference Center, Church Humanitarian Center, at Welfare Square.

Ipinaliwanag niya na tumulong ang Simbahan sa nakaraang matinding pagbaha sa Honduras. “Nito lang nakaraang dalawang linggo, nagpadala kayo ng 90,000 tonelada [81,600 tonnes] ng pagkain para sa mga tao na naapektuhan ng ulan at baha, at isa ito sa maraming bagay na inyong ginagawa,” sabi niya. “Naniniwala ako na walang hangganan o limitasyon ang Simbahan sa kanilang kakayahan [at] pangakong tulungan ang mga nangangailangan.”

Ang unang ginang ng Honduras na si Rosa Elena Bonilla de Lobo ay naglibot sa mga pasilidad ng Simbahan sa Salt Lake City, Utah, USA, noong Nobyembre 8, 2011.

© IRI