2012
Ang mga hayop ba ay may espiritu? Ano ang mangyayari sa kanila pagkamatay nila?
Marso 2012


Ang mga hayop ba ay may espiritu? Ano ang mangyayari sa kanila pagkamatay nila?

Oo, may espiritu ang mga hayop (tingnan sa D at T 77:2–3). Siyempre, malaki ang pagkakaiba ng espiritu ng mga hayop sa ating espiritu—tayo ay mga anak ng Ama sa Langit, at sila ay hindi.

At ayon kay Propetang Joseph Smith, kahit paano ay may ilang hayop sa langit. Sabi niya:

“Nakakita si Juan ng kakaibang hitsurang mga hayop sa langit; … na talagang naroon, na nagpupuri sa Diyos. … (Tingnan sa Apoc. 5:13.) …

“Sa palagay ko libu-libong uri ng mga nilalang ang nakita roon ni Juan, na nailigtas mula sa libu-libong daigdig na gaya nito,—kakaibang mga hayop na wala tayong ideya: lahat ay maaaring makita sa langit. Nalaman ni Juan na niluwalhati ng Diyos ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagliligtas sa lahat ng ginawa ng Kanyang mga kamay, mga hayop man ito, ibon, isda o tao; at luluwalhatiin Niya ang Kanyang sarili na kasama nila” (sa History of the Church, 5:343).

Kaya nga, kahit hindi natin lubos na nauunawaan ang nangyayari sa mga hayop pagkamatay nila, naniniwala tayo na magtatamasa sila isang uri ng kaligtasan at imortalidad.