Library
Mga Magulang sa Langit


Larawan
sikat ng araw na tumatagos sa mga puno

Pag-aaral ng Doktrina

Mga Magulang sa Langit

Buod

Lahat ng tao ay minamahal na anak ng mga magulang sa langit (tingnan sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”). Dahil sa ating banal na mga magulang, bawat isa sa atin ay may banal na potensiyal. Ang banal na pinagmulang ito ang naglalarawan sa ating tunay na identidad.

Sa ating buhay bago tayo isinilang, nalaman natin ang plano ng kaligtasan, na naglalaan ng paraan para mamana ang buhay na walang hanggan, ang buhay ng ating mga magulang sa langit. Ang layunin ng ating buhay, kabilang na ang mortal na buhay, ay ihanda tayo na tanggapin ang maluwalhating kaloob na ito.

Ang kaalamang mayroon tayong ina sa langit ang ilan sa naihayag sa atin (tingnan sa “Mother in Heaven”). Bagama’t hindi natin siya sinasamba, iginagalang natin siya bilang banal na magulang. Sa pagsunod sa halimbawa ng Tagapagligtas, nananalangin lamang tayo sa ating Ama sa Langit (tingnan sa Mateo 6:9; 3 Nephi 18:19; Doktrina at mga Tipan 20:19). Tumatanggap tayo ng patnubay at tagubilin mula sa Ama sa Langit at sa Kanyang Anak sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Sa buhay na ito, sinisikap nating taglayin ang mga makadiyos na katangiang taglay ng ating mga magulang sa langit. Ang mga katangiang ito ay ipinakita sa buhay ni Jesucristo.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

  • Diyos Ama

  • Ina sa Langit

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Media

Musika