Library
Pornograpiya


Larawan
lalaking nakatingin sa kompyuter

Pag-aaral ng Doktrina

Pornograpiya

Ang pornograpiya ay anumang paglalarawan, sa mga litrato o sulat, na naglalayong pukawin ang mga damdaming seksuwal sa maling paraan. Maaari itong matagpuan sa mga nakasulat na materyal, litrato, pelikula, elektronikong imahe, video game, post sa social media, app sa telepono, seksuwal na pakikipag-usap sa telepono, musika, o anumang iba pang bagay. Ang pornograpiya ay kasangkapan ng kaaway at ang paggamit nito ay nagiging sanhi upang lumayo ang Espiritu ng Panginoon sa atin.

Buod

Ipinakita ni Jesucristo ang halimbawa ng isang taong dalisay sa isip at sa gawa (tingnan sa 3 Nephi 27:21). Bagama’t Siya ay “tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin,” Siya ay nanatiling “walang kasalanan” (Mga Hebreo 4:15). Pinanatili Niyang malinis, dalisay, at marangal ang Kanyang sarili, at magagawa rin natin ito. Hinikayat tayo ng Panginoon na “puspusin ng kabanalan ang [ating] mga iniisip nang walang humpay” (Doktrina at mga Tipan 121:45).

Ang pornograpiya ay anumang paglalarawan, sa mga litrato o sulat, na naglalayong pukawin ang mga damdaming seksuwal sa maling paraan. Ang pornograpiya ay mas laganap sa mundo ngayon kaysa noon. Maaari itong matagpuan sa mga nakasulat na materyal (kabilang ang mga nobelang tungkol sa pag-ibig), litrato, pelikula, elektronikong imahe, video game, post sa social media, app sa telepono, seksuwal na pakikipag-usap sa telepono, musika, o anumang iba pang bagay.

Ang pisikal na intimasiya ay sagradong bahagi ng plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit. Gayunman, sinusubukan ng kaaway na hadlangan ang plano ng kaligayahan ng Panginoon sa pamamagitan ng pagsasabing ang pisikal na intimasiya ay para lamang sa personal na kaluguran. Ang pornograpiya ay kasangkapan ng kaaway at ang paggamit nito ay nagiging sanhi upang lumayo ang Espiritu ng Panginoon sa atin (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 63:16).

Kabilang sa mga posibleng maging epekto ng pornograpiya ang kagustuhang mapag-isa, pagiging malihim, at panlilinlang na sumisira sa mga relasyon at nagiging sanhi upang makadama ang isang tao ng mababang pagpapahalaga sa sarili, pagkabalisa, at depresyon; pagkakaroon ng mga di-makatotohanang inaasahan at maling impormasyon tungkol sa seksuwal na intimasiya; na nag-uudyok sa atin na ituring ang mga tao bilang mga bagay na maaaring gamitin at abusuhin; at pagkakaroon ng mapagnasang pag-iisip (obsessive) at pag-uugali nang hindi nag-iisip (compulsive).

Ipinayo ni Pangulong M. Russell Ballard:

“Kung ginagawa na ninyo ito, kung nabitag na kayo nito, humingi ng espirituwal na tulong ngayon. Malalabanan ninyo ang pornograpiya sa tulong ng Tagapagligtas. Huwag nang maghintay.”

Ang pagtulot na mapuspos ng kabanalan ang ating mga iniisip nang walang humpay at pagsunod sa batas ng kalinisang-puri ay tutulong sa atin na matularan ang mabuting halimbawa ng Tagapagligtas.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Paano ako makalalaya sa mga bitag ng pornograpiya?

Kung nalulong ka na sa pornograpiya sa anumang antas, maititigil mo ito. May kalayaan kang piliin kung ano ang iisipin at gagawin mo. Nangangailangan ito ng tapat na pag-amin na may problema ka at ng kahandaang maging responsable sa mga ginawa mo at sa pasakit na idinulot ng mga ito sa iba. Maaaring nailigaw ka noon ng kaaway, ngunit ikaw pa rin ang pipili at magpapasiya sa huli. Maibabalik mo ang lakas ng Espiritu sa iyong buhay. Upang magawa ito, kailangan mong malaman higit sa lahat na mahal ka ng iyong Manunubos. Siya ay may kapangyarihan na tulungan at pagalingin ka. Namatay Siya upang magbayad para sa mga kasalanan ng lahat ng magsisisi at susunod sa Kanya. Maaari kang humugot ng pag-asa at lakas sa kapangyarihan ng Kanyang Pagbabayad-sala habang nagsisisi ka. Alalahanin ang mga salita ni Apostol Pablo, “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan [ni Cristo na] nagpapalakas sa akin” (Filipos 4:13).

Marami kang maaaring makuhang resources. Ang Addressing Pornography na website at ang Addiction Recovery Program ay naghahandog ng programa sa paggaling na nakasentro sa ebanghelyo para sa iyo at sa iyong pamilya.

Paano ko tuturuan ang aking mga anak tungkol sa mga panganib ng pornograpiya?

Ang mga magulang ay may sagradong tungkulin na turuan ang kanilang mga anak at ikintal sa kanila ang mabubuting kaugalian. Ang mga magulang na nagkakaroon ng mga hayagang talakayan kasama ang kanilang mga anak tungkol sa intimasiya at sa papel nito sa plano ng ating Ama sa Langit ay nakatutulong na maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa impluwensya ng kaaway.

Makikita sa Addressing Pornography na website ang resources na makatutulong sa mga magulang na maprotektahan at maturuan ang kanilang mga anak. Narito ang ilang lesson sa family home evening na maaari mong gamitin:

Paano ko malalaman kung may problema ang isang tao sa pornograpiya?

Mahirap mahiwatigan nang malinaw kung may problema ba o wala ang isang tao sa pornograpiya, ngunit may ilang palatandaan na maaari mong hanapin. Bagama’t maaaring ang pagkakaroon ng isa lamang sa mga palatandaang ito ay mahinang indikasyon, kapag mas maraming palatandaang nakikita, dapat mas lalo kang mag-alala.

  • Kawalan ng interes sa seksuwal na relasyon o hindi mapigilang seksuwal na pagnanasa.

  • Mga ugaling hindi tumatanggap sa katotohanan tulad ng pagiging depensibo, pagdadahilan, at pagsasabing hindi naman mabigat na kasalanan ang pornograpiya, at iba pa.

  • Pagiging pabaya sa mga responsibilidad.

  • Higit na kagustuhang mapag-isa (tulad ng paggamit ng kompyuter kapag malalim na ang gabi); hindi pakikibahagi sa pamilya.

  • Paglayo ng damdamin sa pamilya; pagiging mapamintas sa asawa at mga anak.

  • Mabilis na pagkayamot; pabagu-bagong ugali.

  • Hindi maipaliwanag na pagliban.

  • Mga hindi maipaliwanag na transaksyon sa pananalapi.

Kung naghihinala ka na maaaring may problema sa pornograpiya ang isang mahal mo sa buhay, basahin ang payo sa AddressingPornography.org.

Ano ang gagawin ko kung gumagamit ng pornograpiya ang aking asawa o anak?

Kung nalaman mo na gumagamit ng pornograpiya ang isang kapamilya, normal na makadama ng galit, pagkadismaya, sama ng loob, o pighati. Sa mga problemang ito, makahahanap at makatatanggap ka ng lakas kapag humingi ka ng payo sa iyong bishop. Maaari ka ring humingi ng basbas ng priesthood mula sa isang karapat-dapat na mayhawak ng priesthood. Humugot ng lakas mula sa mga kuwento ng iba na nagkaroon ng gayon ding mga karanasan.

Basahin ang mga kuwento ng pag-asa para sa mga asawa at kapamilya sa AddressingPornography.org, at pag-aralan ang Gabay sa Pagsuporta sa Asawa at Pamilya sa AddictionRecovery.ChurchofJesusChrist.org.

Maaari ka ring makibahagi sa mga support group para sa mga asawa at kapamilya ng mga lulong sa pornograpiya sa pamamagitan ng Addiction Recovery Program.

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

Puspusin ng Kabanalan ang Iyong mga Iniisip

Counseling resources” (Limitado ang Access sa mga miyembro ng Ward at Stake council)

Mga Magasin ng Simbahan

Pighati at Pag-asa: Kapag May Problema sa Pornograpiya ang Asawa,” Liahona, Pebrero 2017

Kerry Hanson Jensen, “Ang Pinakamainam Nating Panangga Laban sa Pornograpiya,” Liahona, Enero 2016

Jennifer Grace Fallon, “Pagpapagaling ng Tagong mga Sugat,” Liahona, Setyembre 2014

Ang Pakikibaka Ko sa Pornograpiya,” Liahona, Hulyo 2007

Dan Gray, “Pakikipag-usap sa mga Kabataan Tungkol sa Pornograpiya,” Liahona, Hulyo 2007

Mga Kuwento