Library
Panguluhang Diyos


Larawan
ang Diyos Ama at si Jesucristo

Pag-aaral ng Doktrina

Panguluhang Diyos

Nakasaad sa unang saligan ng pananampalataya ng Simbahan, “Naniniwala kami sa Diyos, ang Amang Walang Hanggan, at sa Kanyang Anak, na si Jesucristo, at sa Espiritu Santo.” Ang tatlong magkakahiwalay na nilalang na ito ang bumubuo sa Panguluhang Diyos. Sila ang namamahala sa daigdig na ito at sa lahat ng iba pang nilikha ng ating Ama sa Langit.

Buod

Nakasaad sa unang saligan ng pananampalataya ng Simbahan, “Naniniwala kami sa Diyos, ang Amang Walang Hanggan, at sa Kanyang Anak, na si Jesucristo, at sa Espiritu Santo.” Ang tatlong nilalang na ito ang bumubuo sa Panguluhang Diyos. Sila ang namamahala sa daigdig na ito at sa lahat ng iba pang nilikha ng ating Ama sa Langit.

Ang pananaw ng mga Banal sa mga Huling Araw tungkol sa mga miyembro ng Panguluhang Diyos ay umaayon sa ilang pananaw ng ibang Kristiyano, ngunit may mahahalagang pagkakaiba. Nananalangin ang mga Banal sa mga Huling Araw sa Ama sa Langit sa pangalan ni Jesucristo. Kinikilala nila ang Ama bilang pangunahing tuon ng kanilang pagsamba, ang Anak bilang Panginoon at Manunubos, at ang Banal na Espiritu bilang sugo at tagapaghayag ng Ama at ng Anak. Ngunit ang kaibhan ng mga Banal sa mga Huling Araw mula sa ibang relihiyong Kristiyano ay nasa paniniwala nila na ang Diyos at si Jesucristo ay mga nilalang na may niluwalhating katawan at na ang bawat miyembro ng Panguluhang Diyos ay magkakahiwalay na nilalang.

Ang tunay na doktrina ng Panguluhang Diyos ay nawala sa panahon ng apostasiya na nangyari pagkatapos ng mortal na ministeryo ng Tagapagligtas at ng pagkamatay ng Kanyang mga Apostol. Nagsimulang maipanumbalik ang doktrinang ito nang matanggap ng 14 na taong gulang na si Joseph Smith ang kanyang Unang Pangitain (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:17). Mula sa salaysay ng Propeta tungkol sa Unang Pangitain at mula sa iba pa niyang mga turo, alam natin na tatlong magkakahiwalay na nilalang ang mga miyembro ng Panguluhang Diyos. Ang Ama at ang Anak ay may katawang may laman at mga buto na nahihipo, at ang Espiritu Santo ay isang personaheng espiritu (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 130:22).

Bagama’t ang mga miyembro ng Panguluhang Diyos ay magkakahiwalay na nilalang na may iba’t ibang ginagampanang tungkulin, iisa sila sa layunin at doktrina. Sila ay ganap na nagkakaisa sa pagsasakatuparan ng banal na plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

  

  

  

  

  

  

  

“Godhead”

Larawan
Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

God Loved Us, So He Sent His Son [Dahil Tayo’y Mahal ng Diyos]

Resources sa Pag-aaral

  

  

  

  

Mga Magasin ng Simbahan

Norman W. Gardner, “Mga Ideya mula sa Doktrina at mga Tipan tungkol sa Ama at sa Anak,” Liahona, Enero 2017

Lori Fuller, “Paano Ako Mababago ng Kaalaman tungkol sa Panguluhang Diyos?Liahona, Enero 2014

  

  

  

  

  

  

  

  

  

    

Mga Manwal sa Pag-aaral

  

  

  

  

  

  

  

  

  

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

  

  

Media

Musika

Mga Larawan