2018
Isang Kaibigan at Isang Missionary
Hulyo 2018


Paningningin ang Iyong Liwanag

Isang Kaibigan at Isang Missionary

Larawan
A Friend and a Missionary

Hi! Ako si Juan Bautista, at ako ay taga Argentina. Pinaniningning ko ang aking ilaw sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo.

Matalik na Magkaibigan

Ako at ang matalik kong kaibigan na si Facundo ay magkakilala mula noong limang taong gulang pa lang kami. Mahilig kami pareho sa football! Niyaya ko siya sa maraming akitibidad sa Simbahan.

Unang Tanong ni Facundo

Minsang kasama namin si Facundo sa hapunan, nagtanong siya, “Bakit laging nagdarasal ang pamilya ninyo?” Sinabi ko na dahil pinagpapala tayo ng Ama sa Langit, at sa ganitong paraan natin Siya napapasalamatan. Namangha siya!

Family Home Evening

Dumalo sa family home evening namin si Facundo noong naghahanda ang kapatid ko na si Benjamin para sa binyag. Naramdaman ni Facundo ang Espiritu, at nagtanong kung maaari din ba siyang magpabinyag! Kinausap ng tatay ko ang mga magulang ni Facundo.

Tinuruan ng mga missionary ang pamilya ni Facundo. Tapos ay nabinyagan si Facundo at ang kapatid niyang si Augustine! Nagsisimba ang kanyang mga magulang, pero hindi pa sila nabibinyagan.

Pangalawang Tanong ni Facundo

Tinanong ni Facundo ang aking nanay kung magiging pareho kami ng kaalaman tungkol sa Diyos. Ngumiti siya at sinabi na kung pag-aaralan niya ang mga banal na kasulatan at magdarasal, mas higit pa ang malalaman niya!