2018
Ana at Samuel
Hulyo 2018


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Ana at Samuel

Mula sa 1 Samuel 1–3.

Larawan
Hannah and Samuel 1
Larawan
Hannah and Samuel 2
Larawan
Hannah and Samuel 3

Napakalungkot ni Ana na wala siyang anak. Nanalangin siya sa templo. Nangako siya na kung magkakaroon siya ng anak na lalaki, palalakihin niya ito para maglingkod sa Diyos.

Nagkaroon nga ng anak si Ana at ang asawa niya! Pinangalanan niya ito na Samuel. Alam niya na sinagot ng Diyos ang kanyang panalangin.

Habang lumalaki si Samuel, tinupad ni Ana ang kanyang pangako. Hiniling niya kay Eli, ang saserdote sa templo, na turuan si Samuel kung paano maglingkod sa Diyos. Tumulong si Eli sa pag-aalaga kay Samuel.

Isang gabi habang nakahiga si Samuel, nakarinig siya ng isang tinig. Tinanong niya si Eli kung tinawag ba niya siya. Sinabi ni Eli na ang Diyos ang nakikipag-usap kay Samuel. Nang sumunod na narinig ni Samuel ang tinig, nakinig siya. At nangusap ang Diyos kay Samuel. Nakinig si Samuel sa Diyos at sumunod sa Kanya.

Kaya kong matuto tungkol sa Diyos at sumunod sa Kanyang mga utos!